Donnerstag, 17. September 2009

Noynoy Aquino for President

Hindi ako taga-Liberal Party o may anumang partidong sinasapian. Hindi ako taga-hanga ni Kris, dahil wala akong hilig sa comedy. Hindi ko rin hilig ang pulitika dahil sabi sa aking ng tatay ko ay marumi raw ito. Subalit naaawa na ako sa Bansang Pilipinas. Marami ang nababasa ko na huwag nating isisi lagi sa gobyerno ang nangyayari sa Pilipinas kaya walang asenso, dapat daw na baguhin ng bawat Pilipno ang kanilang ugali na magkaroon ng disiplina para umunlad ang bayan. Napakagandang katuwiran. May puntos ika nga.
Subalit papaano magkakaroon ng disiplina ang mga anak, kung hindi makikita ito sa mga magulang. Paano magkakaroon ng disiplina ang bawat Pilipino kung yaong mga namumuno sa bayan ay walang disiplina. Hindi pinalaki ng maganda ng magulang o baka talagang ganid ang pagkatao nito. Sabi ng aking Pastor, hindi raw pwedeng mag-akay ang bulag ng kapwa bulag. Nabulag na ang nasa administrasyon ng kanilang kapangyarihan. Hindi na nila alam ang mangyayari sa susunod... Ang nais nila ay maipagpatuloy ang kapangyarihang ito kahit na masagasaan ang maraming mahihirap. Nais nilang magpakayaman lalo upang matugunan ang pansarili nilang pangangailangan, upang lalo lumawak ang kanilang kapangyarihan at mahawakan ang buhay ng ordinaryong mamamayan.
Iisa ito sa laban ni Ninoy ng kapanahunan ng diktatoya ni Marcos. Magkaiba lamang ang situasyon. Noon tayo ay under Martial Law, walang pwedeng magsalita ng laban sa Administrasyon, pwede kang makulong, salvage ang aabutin mo kapag minamalas pa.
Ngayon di ba ganoon din. Ilan na ang namatay na mamamahayag. Ilan na ang mga namatay dahil nakikiisa sila na mabago at ipaglaban ang kapayapaan ng Pilipinas tungo sa kaunlaran. Isa rito ay si Fernando Poe Jr. na dinaya, upang hindi magkaroon nag pagkaktaon na maipadama niya ang pagmamahal niya sa bayan.
Ngayon ay narito muli ang laban. Nandito muli ang labang pinasimulan ni Ninoy at Cory sa katauhan ng nagiisang anak na lalaking si Noynoy. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam ang tunay niyang pagkatao. Wala akong alam mula sa kanyang pagkabata. Subalit mahalaga sa kanya ang kaniyang pinagmulan. Katulad ni Jesus sa kapanahunan noon. Mahalaga ang kaniyang pinanggalingan. Importante kung kanininong dugo siya nagmula. Kaya nga libro ni Mateo sa Biblia inisa-isa ni Mateo ang genealogy ni Jesus, upang makita ng mambabasa na galing ito sa mapagpalang angkan.
Kaya nga ako bilang isang batang Pilipino nakikiisa kay Ninoy, Cory at ngayon ay kay Noynoy. Para sa ikauunlad ng Bayan, para sa tunay at ganap na pagbabago. Ituloy ang laban ni Ninoy at Cory. Noynoy Aquino for President.

Keine Kommentare:

Kommentar veröffentlichen